Ang Pagpapatuloy

000aas02_cover_part1a

Ilang buwan ang nagdaan at online na ang “Ang Sumpa” komiks. Sa mga nagbabasa, salamat sa patuloy na pagtangkilik. Isa sa marami kong dahilan na gawing online ito ay dahil hindi ako kumuha ng table sa Komikon X nitong darating na Sabado. At gusto kong maihatid ang kwento sa mga nakabasa, at sa mga bago, ang komiks kahit wala akong mesa sa Sabado.

May iba pang dahilan kaya in-online ko ito pero sarilinin ko na lang.

Unang bahagi palang ng Ikalawang Kabanata ang inilabas ko noong Summer Komikon. Ang kalahati ng kwento, online na. At ang mga darating na kabanata, dito mo na rin mababasa. Hindi ko pa alam kung magkakaroon pa ito ng print version sa hinaharap, o kahit sa darating na Summer Komikon next year. Wala pa akong plano. Hindi ko rin alama ang mangyayari.

Ang nais ko lang ngayon, mailabas ang kwento ng “Ang Sumpa” sa mas maraming mambabasa dahil sa palagay ko, maganda at orihinal ang kwento nito. Ibig ko sana, mas marami ang makaalam ng komiks. Sana, mangyari ‘yon.

Ibig ko rin siyempre at pangarap ko rin na ma-publish ito bilang isang compilation/graphic novel. Sana, mangyari ‘yon.

Sa ngayon, maaari mo nang basahin ang komiks, mula Unang Kabanata hanggang Ikalawang Kabanata.

Kung may mga puna o suhestiyon kayo tungkol sa kwento, sa istilo ng art, kung kumportable kayo sa pagbabasa nito online, o iba pang komento, maaaring paki-email na lang ako sa andoyman@gmail.com

Maraming salamat! Sana balik-balikan ninyo ang handog kong komiks.

-Andoyman

 

P.S.

Paki-like lamang po ang fb page ng komiks (http://www.facebook.com/AngSumpa) upang ikaw ang mauna sa mga update, at kung kailan lalabas ang susunod na kabanata. 😀

Advertisements